Ayokonaayokonaayokonayokonayokonayokonayawkonayawkonayawkona
Sa tuwing maririnig ko ang kantang "Losing A Whole Year" ng Third Eye Blind, nagdadalawang-isip ako kung dapat ba akong masindak at tamaan ng kidlat dahil sa ipinupukol na diwa ng pamagat ng kanta o magkibit-balikat at paalalahanan ang sarili na naging makulay at maligaya ang tatlong buwang bakasyon ko matapos ang siyam na buwan na pagsasawalang-kibo sa maginaw na bartolina sa dulong hilagang kanluran.
Labinsiyam na buwan na akong full-time na alipin ng Internet. Sa madaling sabi, cybertambay na hindi lumalabas ng bahay, maliban sa ilang pagkakataong kinakailangan masikatan ng araw.
Ang mga kaibigan na dating kaklase ay nasa iskwelahan pa rin, patuloy sa pagpapakadalubhasa sa aming sinimulang karera, maliban sa akin.
Sinong nang-iwan sa ere?
O baka naman, may sadyang nalaglag na sa lupa sa sandaling mag-abutan na ng diploma habang ang lahat ay nagsisiakyatan sa sunod na palapag ng karunungan.
Labindalawang buwan na ang nakararaan nang paratangan at isisi ko sa iba ang aking kahabag-habag na kinahantungan. Noon nanggagalaiti ako sa galit at hinanakit. Pero kagabi, matapos ang eksena sa mapang-akit na bintana, naliwanagan ang aking kukote at saka ko lang tuluyang natanggap sa sarili ko na walang ibang DAPAT sisihin sa mga nangyari kundi ang sarili ko.
Kasalanan ko.
Ang kabobohan ko sa pagdedesisyon ang naging mitsa ng aking pagbagsak. Kaya tuloy, bawat oportunidad na may diumano'y PRAKTIKAL na kahalagahan na dumatal sa aking tarangkahan, ay aking pinagsasarhan di lamang ng pintuan kundi maging ng aking durungawan. Kaya ngayon patuloy pa rin akong inaalipin ng Facebook at Plurk.
Walang pera, walang boss, walang barkada, walang kotse, walang kabit, walang asawa. Ano bang kinatatakutan ko na maaari pang mawala sa akin sa puntong ito?
Walanawalanawalanawalawalawala.
Naiimagine mo ba ang sarili mong de-kurbata at business suit pagkatapos ay magtitimpla ng kape ng supervisor mo?
Naiimagine mo ba ang sarili mong nanghaharang ng mga misis at nag-aabot, nag-aalok ng mga flyer at brochure para sa bahay at lote o condo unit?
Naiimagine mo ba ang sarili mong sinisigawan ng customer sa telepono dahil hindi niya alam kung paano buksan ang monitor ng kanyang PC?
Naiimagine mo ba ang sarili mong nagpapasuso ng batang hindi mo naman anak at naglilinis ng mansion na hindi mo naman pag-aari at nagluluto ng ulam para sa hindi mo naman mister?
Pwes ako hindi.
Ayokong mabuhay nang nagtatrabaho. Ayokong nabubuhay dahil lang sa trabaho. Ayokong maging trabaho ang buhay ko. Ayokong maging buhay ko ang pagtatrabaho.
Iyan na ba ang kahulugan ng buhay? Ganito na (lang) ba ang mabuhay?
Magpapakamatay na lang ako. Pero wala sa aking makapaninisi dahil hindi ko kagagawan at hindi ko kagustuhan na ipanganak at mabuhay sa ganitong mundo. Kasalanan ng mga magulang ko. Kasalanan ng mitosis. Kasalanan ng random chance. Kasalanan ng tadhana. Kasalanan ng lahat maliban sakin.
Bwahahaha! O ayan, quits na.
Sino'ng maysabing Life is unfair?